Saturday, October 29, 2016

Ano ka ba! Binigyan na nga tayo eh, hihingiin mo pa ang kabuuan?

From one of my niche groups, I saw a write up that asks for more. "pwede po ba turuan nyo na din kung paano sa simula maghanap, step by step, hanggang sa huli kung kailan kukunin na ang pera?"
I was tempted to comment, but I held up.

I thought much about IQs,

I also thought why the poor keeps being poor

I also thought how to be student to student be able to help?

But then again, I thought of the merciful eyes of God. Sino ba ang mas aba? Ako na self proclaming high ang IQ (well di ko naman talaga na measure kundi yun 94 points ako sa NCEE whilst others are 99++, may NCEE pa noon sa Philippines) na judgemental! Na mas mabilis pa sa akin ang mang husga, makita kung gaaano ka kaliit mag-isip, may tendency ma-frustrate. O si mang Penduko na with all honesty di nya nga alam ang gagawin. Ni hindi nya nga alam ang terms sa loob ng chat, discussion. Sino sa amin?

I admitted na wala akong pinagkaiba kay mang Penduko. Nakapag-aral lang ako, nabiyayaan ng maayos na pamilya. Ang lagay mang-aapak na lang ako? Hindi ba mas makatao kung ang ini-isip ko ay paano ba ako makakatulong sa kapwa ko?

A Life lived for others is a Life fulfilled 

Yan ang naka paskin noong high school pa ako sa isang Catholic School sa Manila. That was when I as 13. Salamat na lang sa mga teachers namin na nakisip i-paskin yun. Hindi ba mas makatao ako kung nalalaman ko ako ay pinagpala, marunong, may alam, wise sa lipunan, may kakayahan. Na tumulong, umunawa, kahit man lang sa pagsalita na :

O, mang Penduko, ganto po, di po maaaring magkasya ang isang buwan sa pagtuturo ni coach kung ibibigay sa atin lahat lahat. Mahaba na nga po ang 2 buwan kasi nagmamadali ang ilan sa pag market ng kanilang produkto. Maari kitang matulungan instead. Unti unti pero di lahat. 

Kailangan ikaw ang maghanap ng mga WHYs mo sa buhay. 
Kailangan malaman mo nasaan ka, sino ka bang talaga, ano ang nais mo.
Ano ang kaya mong gawin.
Kailan mo kayang gawin ang mga ito? 
Kaya mo bang magsakripisyo? Walang barkada or lessened. Kaunti tulog sa weekend like 6-7 oras lang? 
Saan mo pwede gawin ang mga kaya mong gawin?
Kaya mo bang tumulong din?
Sino po ba ang ultimate nyong paghahainan ng lahat ng ito bilang inyong alay or gift? 
Paano? Makinig po tayo.

I will help you po mang Penduko. Unti unti. At may hirap po mind you to let you know. Di po madali. Hwag lang pong susuko. At kapag narating nyo na po kahit isang palapag palang ng tagumpay, huwag nyo pong ituring utang na loob nyo sa akin ang lahat. Kayo din po ang gumawa, umaksyon, nag desisyon; hindi po ako. Kaya po wala akong patago sa inyo. Kung gusto nyo po magpasalamat, sa aking ginawa (actually tayo po at walang ako lang) ipasa nyo po ito sa iba, na tulad nyo din na may puso at gustong matuto, makaalam, mabago ang buhay, at makatulong sa iba. Isa isa lang din mang Penduko, na tulungan mo din sila/ siya...kasi 
You cannot give what you do not have

Once you have it, you give it - sell it to some, give it away to some, teach as your ministry to some. Wala pong ginintuang gawain na hindi pinagpala. Lagi pong may return.

Kita po tayo sa susunod na katuruan. 


Salamat po at natuto din naman akong maging tao, makatao, para sa tao, from time to time.


Jeffrey Cecilio
___
Pedro Penduko is a Filipino comic book character styled as a folk hero or superhero, created by Francisco V. Coching and debuted on Liwayway Magazine.

Friday, January 26, 2007

Para kay Dad (For Daddy)

Para kay Dad
June 18,2006
(English version below)

Note: Ala ala nagiging mahalaga kung patunguha'y pagpupuri kay Ama.



Matipid sa salita si Dad. Madalas ang aksyon lang niya ang nakikita at naaalala ko.

Magaling si Daddy sa math at skilled carpenter siya. Sayang at di nga ako masyadong nakapagmana ng kanyang skills. Tulong tulong lang ako pag may ginagawa sa bahay o anumang kuting-ting na mapaglilibangan kapag holidays. Naisip ko na bilang pag-alaala sa kanya, next year, mag-aaral ako at gagawing hobby ang carpentry.

Masasabi kong mas marami pa kaysa sa akin ang pagsisimba ng aking Daddy (kasama niya Mommy). Walang humpay kahit noon pa na nagtratrabaho pa siya (paggaling sa work, magkikita sila ni Mom) at lalo na ngayon na may lay ministerial service na siya. Di lang yun, may early Sunday morning TV Mass habit pa siya, kahit na noon pa. Iba talaga siya.

Heto lang ng di kalayuang buwan, nagtanong siya sa akin, ok ka ba dyan kahit sa Asia ka lang nag-abroad? Ok po naman ako, salamat at buti na lang po at malapit pa din ako sa inyo, tugon ko. Pwedeng umuwi. Madali.

Ang mangilan-ngilang mga bagay bagay na lagi na lang at gusto ko na nasa isipan ko tungkol kay Dad ay: pag hinguko na gamit ay swiss knife, ang kaalaman ng Narra sa hindi, martilyo at pako, pag inom ng tubig na marami pa sa walo, pagtulog at pag-gising ng maaga, pagkain ng gulay, ang paglalakad instead na mag-tricycle, malakalyong mga kamay, matipid sa damit, panonood ng movies na giyera at history, pag-iipon ng pera, ang pagiging malumanay at diplomatic, ang pagtugon at pagkanta sa Misa, at pagdarasal bago kumain at matulog.

Nakapagbibigay kasiyahan kay Dad kapag nakikita niyang sama-sama kami at nag-hahappy-happy ikanga niya. Simple lang naman at kahit panonood ng sine ng sabay-sabay ay malaking bagay na iyon sa kanya. Unknowingly pa nga, isinayaw pa niya iyon sa kasiyahan ng minsan kaming nagkita-kita sa isang mall. Marahil naisip niya ang kanyang pamilya din noon sa probinsiya.

Trabaho lang siya at inabot na niya ang dalawampung taon ng service sa parehong company hanggang mag-retire. Pulido, mabusisi, at anak-pawis - mga katangiang nakikita ko sa kanya noon - sa kumpanya o sa bahay man.

Nasabi pa niya na, noong nag-aaral pa kami, "Masuwerte kayo nag-aaral lang; ako noon kailangan magtrabaho at mag-aral." " Baon ko lang noon ay himaymay na mais sa aking bulsa. " "unti-unti ko itong kinakain."; "Lalakad ako ng pagkalayo tungo sa eskwela lang." " 'Pag nagutom paguwi, aakyat ng puno ng niyog at hayun, solved na." Sang ayon naman ako na mas madali nga ang naging pag-aaral namin kaysa kay Dad noon.

Sa panliligaw, nakapagpayo rin naman sa akin si Dad na manligaw ng maayos at tapos sa pag-aaral tulad ng pinagsumikapan niya sa amin.

Inuman? Umiinom siya pero occasionally at very seldom pa. Sigarilyo'y hindi, kasi sinusunog mo lang daw ng sabay ang iyong pera at baga. Matipid si Daddy, kasi nga laki sa sariling pagsusumikap.

Makikita mo kay Dad ang kakisigan dulot ng trabaho di tulad ng sa akin gawa lang ng ehersisyo. Mas stable ang tindig, malakas at mahaba ang endurance dahil sa lantad na pagtratrabaho bigay ng kanyang panahon.

"Mahalin mo ang Nanay mo kasi doon ka nanggaling," ang mga kataga na baon baon ko pa po kahit ngayon. Kahit na si Daddy ay hindi showy kay Mommy noon , marahil dala na din ng kanyang katauhan at kinalakhan. Gayunpaman, alam ko na mahal niya si Mom.

Pinagsama sila ng Dyos at tamang timplang mag-asawa ang kinahinatnan. Di naman sila perfect pero sa kabuuan, masasabi kong magandang pamarisan.

Few words lang mula lagi kay Dad. Mahalin mo trabaho mo, asawa mo, pamilya mo, at ang Diyos.

Ngayon na nasa malayo na ako naisaisip ko ang mga bagay bagay na nadulot ng aking ama - trabaho, pamilya, at kasimplehan pati fulfillment sa buhay. Iyon bang kapanatagan dahil ibinibigay mo ang best mo sa pamamagitan ng lapis, papel, martilyo at pako.

Mahal ko si Dad. Ang pangalan niya ay Mang Jim.



English version:

For Dad 
June 18,2006 


Note: All memories become important once they are for the praise of our Fathers



Penny word Dad. Often the only this can be seen from Dad is his action as I remember. 

He is good in math and a skilled carpenter in him. It's a shame, that I was not able to get his skills. Help me help you with doing at home or any small things whenever holidays as recreation. I thought as a memorial to him, next year, I will study and make the hobby carpentry. 

I would say even more than me attending my Daddy (Mommy with her). Tireless working even before he (coming daily from to work, they will meet, my Mom's) and especially now with her lay ministerial service. Not only that, with early Sunday morning TV Mass habit he, even then. So he was. 

Here are just a not too  long ago, she asked me, ok you even dare to get to Asia for abroad? Ok I am, thank you and I'm glad I'm still close to you, I replied. Guests can go home. Easy. 

Several things always just and I like that in my mind about Dad are: cutting his finger and toe nails (hinguko) using a swiss knife, knowledge of a Narra wood and not, hammer and nails, drinking water much with eight glasses, sleep and waking up early, eating vegetables, walking instead riding a tricycle, (malakalyong) rough hands of a peasant, labor clothes, watching movies war and history, saving money as in coins inside bamboo shell, being gentle and diplomatic, meeting and singing at Mass and prayer before meals and before sleeping. 

It's fun to Dad when he sees us together and happy, hahappy ikanga to him. It is very simple and even a movie nearby at the same time is a big thing for him. Even unknowingly, he rocked it the pleasure of once we met at a mall. Perhaps he thought his family was also in the province. 

Jobs and he attained his twenty years of service with the same company until retirement. Pulido, thorough, and toiler - qualities that I see him then - the company or at home. 

He even said that, in studying, "Lucky you study it, I was required to work and studied. " "I just packed corn fibers and all there were in my pocket as lunch and snacks." "I gradually eating them." "I will go a great distance going to the school only." "To get home, hungry, I climb up a coconut tree and there, be solved with its meat." It was obvious and I agreed it became easier to study than what he had then.

In courtship, he also advised me to prospect well and if possible those who finished her studies too, as he strives for us. 

Bar? He drinks occasionally, but very seldom.  Smoking he is not, because as he has put it, "you just burn your money and lungs. Frugal Dad, because indeed he grew up much of the size of its own efforts. 

One would see Dad's chic and it's caused by work unlike me who just work out and exercise. More stable stance, strong and long endurance due to manual labour of his working time. 

"Love your Mom because you came from her," the term I still even hear now. Even that he is not showy, but Mommy is, perhaps carrying also his personality and background.However, I know that he loves Mom. 

Bringing them togethter is of God and He has brewed right to marriage. They are not perfect, but on the whole, I'd say good precedent. 

Few words just to keep from Dad. Love your work, your spouse, family, and God. 

Now that I was away I conceived the things that caused my father - work, family, and the simplicity and fulfillment in life. That gives you confidence because he gives his best by pencil, paper, hammer and nails. 

I love Dad. His name is Mang Jim.